Tuesday, June 2, 2009

Death within

Mararahas na salita ang namutawi sa aking bibig. Mga salitang hindi mula sa mabuti kung hindi mga salitang mula - sa DEMONYO.

Bakit?

Ginawa ko ang unang pumasok sa isip ko. Ang lumapit sa taong kilala bilang pinuno ng isang institusyon na tumutulong sa mga nangangailangan - PAGCOR.

Hindi ko na inalintana ang hiya. Kuna kagalitan man ako ng Boss ko o tanggalin nya ako sa trabaho, hindi ko na inisip yon. Dahil ang tanging nasa isip ko lang ng mga oras na yon, ang makauwi si mama ng Mindanao. Ng Cagayan de Oro. tnxt nya ako na patay na daw si lolo. Anong gusto nyong magin reaksyon ko? Hindi ko rin alam ang gagawin. Nang malaman kong nasa labas si Ephraim Genuino, ang taong namamahala sa PAGCOR, kagyat akong lumikha ng liham na nakikiusap na mabigyan kami ng mapamasahe pauwi ng Cagayan de Oro. Sa sweldo kong limang libo , kung ipapamasahe namin, hindi na ako makakabalik dahil may mga kailangan din doong gastusin. kulang pa nga. May pasok na rin kami sa eskwela. Pero sumulat pa rin ako. wala namang masama na magbakasakali.

At ginawa ko yon. tinapos ko ang sulat. Walang pag-aalinlangang tinapos ko ang sulat. Pinipilit kong matapos habang nasa labas pa ng opisina ni Secretary si Ginoong Genuino. Sulat dito, sulat doon. Isip, bura, sulat, basa. Hinahabol ko ang oras.

Dumating na si Secretary. Wala nang panahon. Pumasok na sila sa loob upang pag-usapan ang mga bagay bagay. inisip ko nalang na pagkatapos ng meeting ko iaabot ang sulat ko. pag nasa elevator na sya. pero tama si Ma'am Remy. Pano nga naman kung ihatid sya ni Secretary hanggang sa Lobby ng TESDA. Hindi ko alam. Ang alam ko lang, kailangan maipaabot ko sa kanya ang sulat ko.

Tapos na ang meeting. Palabas na sila. Hinatid nga ni Secretary si Mr.Genuino sa elevator at pababa. sabi ni ate Edith, habulin ko at baka nasa baba lang sila. tamang-tama at ng pasakay na ko ng elevator ay may nakasabay akong mama na taga-PAGCOR din. Nakiusap akong sa kanya ko nalang ibibigay ang sulat pero sinabi nyang personal kong iabot ang sulat kay Mr. Genuino na nasa Lobby ng TESDA. at ng nagkaharap na kami ni Ginoong Genuino, nagsalita ang mama na kaharap ko at nagsabing "staff ni Secretary sa taas, humihingi ng tulong sa lolo nyang namatay." at pagkatapos, sabi ni Mr. Genuino, "Bigyan mo." sabi naman ng mama, "magkano ba? 500?" hindi ko lubusang napansin na si Secretary pala ay katabi ko lang. Iba ang tingin nya sa akin. hiyang-hiya ako. mukhang galit si secretary. bakit kasi personal kong inilapit. nagbaka-sakali lang naman ako. ngayon hindi ko alam kung ano ang gagawin sa akin.

Pagbalik sa opisina, kabado ako sa mga susunod na pangyayari. Nang lumipas pa ang oras, pumunta ako ng dorm at tinanong ang nanay ko kung ano na pangyayari sa CDO at sa pagkamatay ni lolo. at ang nagpainit sa akin ay ang sagot na:

"Ewan ko."

Ano?!! inisip ko agad. halos pwedeng huling araw ko na to sa trabaho dahil sa ginawa ko tapos sasabihin nyong "EWAN KO at TNXT LANG AKO NA SURRENDER NA SI PAPA..."

Ibig sabihin, hindi nyo alam kung totoo at tinxt nyo ako agad na uuwi kayo sa Mindanao at na kailangan nyo na ng pamasahe?

...Na hindi nyo pa pala nasisiguro kung gano katotoo tapos ittxt nyo ako ng ganon?
...na yang manlolokong kapatid nyo, nang tawagan ko, ang sinabi pa, False Alarm?
...na kaya pala sinabi ng kapatid nyo yan, para maalarma at mapilitang gumawa ng kung anong paraan?
...Na pagkatapos ng lahat, sisisihin pa akong nangingialam at ngre-react samantalang wala naman palang naitulong?

Kung alam nyo lang...

...na plano kong magbigay ngayong sweldo ko para mai-pa-stay nalang si lolo sa ospital.
...na lumapit ako sa PAGCOR para humingi ng tulong.
...na galit na galit ako sa sarili ko at hindi ko kayang magpadala agad ng pera.
...na gustuhin ko mang kamuhian kayo dahil inasa nyo na sa akin ang lahat na kung iisipin, ay responsibilidad nyo, wala rin ako magagawa.
...na gusto ko nang ibenta ang laman ko, magkapera lang ng sapat para sa mga kailangan natin.
...na naiinis ako at gustuhin ko man tumulong kay lolo, hindi ko magawa dahil wala namang mapagkakatiwalaan sa mga kapatid nyo.
...na ni minsan...hindi ko naramdaman...na MAY KAMAG-ANAK ako.

Kaya nilabas ko na lahat ng masasakit na salita sa kanila ng mga oras nayon. mga sinungaling!

Tapos, sisisihin ako? wala. walang nakakaintindi ng sitwasyon ko.

KAHIT SINO.

Walang NANAY na NAKAKAINTINDI sa AKIN.
Walang Kwentang TATAY ang meron ako.
Walang silbing KAPATID ang binigay sa akin.

WALA.

Bakit? Ni minsan ba, tinanong nyo ako:

"Malou, kaya mo pa ba?"

kung alam nyo lang...Kung alam nyo lang...

About Me

My photo
i'm passionate. in everything. Deep in my heart, i wanted to know what God wants me to accomplish here on earth. Just can't decipher His messages....haii...maybe my heart is not ready yet but I really want to. Don't know what the right move will be.

Share your story